03/06/2026
𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎
Pansamantalang offline ang Land Transportation Management System (LTMS) dahil sa nararanasan na technical issue, ngayong araw ika-3 Hunyo 2026.
Sa kasalukuyan, pansamantalang tigil operasyon ang mga sumusunod na serbisyo:
• Renewal ng driver’s license
• Rehistro ng mga sasakyan
• Lahat ng kaugnay na ancillary services
Pinaaalalahanan ang lahat na pansamantalang ipagpaliban muna ang kanilang mga transaksyon at manatiling nakaantabay sa opisyal na mga anunsyo ng ahensya para sa updates.
Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong pag-unawa, pasensya, at pakikiisa.
Agad na maglalabas ng abiso ang ahensya sa sandaling may progreso na sa system.