06/09/2026
Bakit nga ba hindi nawawala sa uso ang Honda Civic?
Kasi hindi lang sya kotse, Culture na sya.
Hanggang ngayon pinapangarap parin
1990s pa lang may VTEC na. Yung tunog ng pag bukas ng VTEC sa 5,500 RPM, wala pa ring kapantay. Kahit bagong kotse ngayon, hinahanap parin nila yung βVTEC kicked in yo!β na feeling. Lumang EG, EK, ES, FD hanggang FC - lahat may VTEC.
Lego ng kotse - Lahat ng pyesa pwede
Gusto mo pang karera? May pyesa.
Gusto mo pang daily? May pyesa.
Gusto mo pang low? Pang VIP? Pang stance?
Sa Civic lang pwede lahat. Mura pyesa, kahit saang auto supply mayron. Yung engine na D15, B16, K20 - parang Lego, salpak dito, salpak dun. Kaya hindi ka magsasawa.
Design na hindi tumatanda
Tignan mo EG Hatch 1992 hanggang ngayon pogi parin. EK 1999 hanggang ngayon porma parin. FD 2008 hanggang ngayon mukha paring bago.
Hindi gaya ng ibang kotse na after 5 years mukhang luma na. Civic parang White T-shirt - kahit anong taon suotin mo, bagay parin.
Matibay na parang kalabaw
Yung Lolo mo may Civic, ikaw may Civic, anak mo magkaka-Civic pa. 300,000 km na tinatakbo umaandar pa. Kahit hindi mo alagaan masyado, hindi ka iiwan sa daan. Kaya tiwala tao.
Community
May grupo ka agad. Civic Nation, EK Culture, FD Squad, VTI Group. Pag naka Civic ka, may tropa ka na agad. Hindi ka nag-iisa sa gasolinahan, may magtatanong agad βanong makina mo boss?β
Sa ibang kotse, kotse lang. Sa Civic, pamilya.
Mura bilin, mahal benta
Bumili ka ng Civic 1998 dati 150k, ngayon 250k na ulit. Tumataas pa value habang tumatanda. Parang investment. Kaya hindi naluluma sa market.
In short: Hindi nawawala sa uso ang Civic kasi pinaghalong porma + tibay + bilis + mura pyesa.