18/09/2022
Ano nga ba ang advantage ng Japan surplus trucks?
✅Una, ang Japan trucks ay maganda ang pagkagawa at kondisyon.
✅Pangalawa, mabibili mo sya sa mababang halaga.
✅Pangatlo, ang Japanese surplus ay durable and maaasahan.
Karamihan sa atin pagsinabi na surplus ang sasakyan, meron agad itong negatibong connotation. Secondhand, eh! Pero mga ka truckers meron talagang advantage ang Japan surplus trucks.
✅Una, ang Japan trucks ay maganda ang pagkagawa at condisyon. Paggumawa ng sasakyan ang Japan meron silang striktong sinusunod na mga regulasyon. Ang bawat gawang sasakyan ay dumadaan sa masusing inspeksyon para mapanatili ang kalidad at kaligtasan sa pagdadrive. Inaalagaan din nila nang maayos ang kanilang mga sasakyan at maging ang engine performance nito. Kaya naman hindi basta basta nagdedepreciate ang halaga ng Japanese trucks kahit na ito ay surplus.
✅Pangalawa, mabibili mo sya sa mababang halaga. Hindi tulad sa mga brand new na mga trucks mahal talaga ang presyo. Sa Japan ang mga trucks ay murang nabibili dahil mas gusto nila bumili ng mga bagong model ng trucks. At isa pa, sa Japan mahal ang buwis ng sasakyan habang ito ay tumatagal sa pagmamay-ari ng isang tao. Kaya naman mabilis nila itong dinidispose kahit ilang taon pang gamit. Kaya naman marami dito sa atin ang nagnenegosyo ng Japan surplus.
✅Pangatlo, ang Japanese surplus ay durable and maaasahan. Alam naman natin na ang Japanese na mga manufactured cars or trucks ay kilala sa buong mundo. Ito ay kilala dahil ito ay proven na tumatagal and matibay sa biyahe.
Iyan ang tatlong advantage ng Japan surplus. Mahalagang tandan mga ka-truckers, ang mga trucks ay kailangan alagaan, i-service at i-maintain maging ito man ay brand new or surplus.