29/06/2026
Sa pamamagitan ng pinalawak na Yormilk 2.0, mas pinalalakas natin ang laban kontra pagkabansot at malnutrisyon ng ating mga kabataan. Bukod sa pagtulong sa kalusugan ng mga bata, nababawasan din nito ang gastusin ng mga magulang at patuloy na nasusuportahan ang kabuhayan ng ating mga lokal na dairy farmer.