14/08/2026
“ The Soul of the Machine “
Size: 18x24 Inches
Artist: Echo Custodio
Mixed media
2026
Framed
Ang piece na ito ay tungkol sa pag-pursue ng passion at sa proseso ng pagtuklas kung ano talaga ang nagbibigay sa atin ng dahilan upang magpatuloy.
Ginamit ko ang sasakyan bilang metaphor. Hinati-hati ko ang bawat bahagi nito upang kumatawan sa iba’t ibang proseso na pinagdadaanan natin ang pagsisimula, pagkatuto, pagkakamali, pagod, pagsubok, at muling pagbangon.
Kadalasan, ang nakikita ng mga tao ay ang resulta, ang finished build, ang bagay na pinapakita natin. Pero hindi nila nakikita ang bawat piyesang pinagdaanan para mabuo ito.
Ganoon din sa buhay. Madaling makita ang success, pero hindi ang proseso sa likod nito. Hindi nakikita ang mga gabing nagduda tayo, ang mga pagkakataong gusto nating sumuko, at ang mga panahong kailangan nating magsimula muli.
Sa huli, ang passion ay hindi lamang tungkol sa kung ano ang nabuo natin. Ito ay tungkol sa proseso na humubog sa atin habang binubuo natin ito.
Because sometimes you have to take everything apart to discover what truly drives you.