07/11/2026
Nag comment sana ako kaso deleted na ata ang post.
Bakit mahal ang Bridal Car?
1. Sinisigurado namin na malinis at good condition ang Bridal Car na gagamitin niyo loob at labas.
2. Hindi lang kayo ihahatid at susunduin ng Bridal Car kasi mag aantay din si Driver sa inyo habang nasa preps venue niyo at pag hatid sa inyo sa Church mag aantay ulit kami sa inyo ng mga more than 2hrs hangang matapos ang ceremony, pictorial at post nup niyo.
3. Hindi naman namin kapit bahay ang venue niyo na pag labas ng bahay or village namin isang tumbling nasa Venue niyo na kami agad. Dadaan kami ng toll, mag bayad ng parking fees at mag consume ng gas ang kotse. (May maintenance pa.)
4. Years of experience na ang meron kami sa Weddings kaya kahit papano alam na namin ang mga kailangan gawin as a Bridal Car service provider niyo. (Malayo ito sa Grab Car na iniisip niyo) kasi require diyan ang time at dapat kahit papano alam mo ang flow kasi kasama din ang Bridal Car namin sa post-nup shoot niyo.
Kaya usually kapag mura ng nakuha niyo na Bridal Car for sure sablay yan at ang coordinator niyo ang nagkaka problema.
Maliit na difference pero yung burden at sakit sa ulo niyo mababawasan dahil maayos at matino ang Bridal Car na nakuha niyo.
Talking on behalf sa mga kapwa kong Bridal Car supplier na laging nilolow ball pero tuloy pa din ang serbisyo. Salute 🫡
Book na kayo! 😂