17/11/2020
Kaunting tips para sa mga nabahang motor at mga sasakyan po.
1. Make sure nakatanggal ang negative terminal ng battery para safe po ang auto electrical po ng sasakyan. Tandaan po natin na ang tubig ay good conductor na pwedeng maging cause ng short circuit.
2. Huwag po nating galawin ang sasakyan hanggat hindi po natin naisasangguni sa expert mechanic. Bawal paandarin po ang makina,masisira po ang engine parts. Bawal ikick po ang kick starter ng motorcycle,mas lalo po na bawal kadyutin.
3. linis at pagpapatuyo lang po muna ang gagawin natin sa loob po ng sasakyan.pwedeng gumamit ng blower,vacuum cleaner,.
4.pwede na po natin idrain ang engine oil,differential and transmission oil.
Tanggalin po ang oil filter kapag walang tubig,pwedeng ibalik for engine washing purposes.
5. Sa diesel engine tanggalin ang glow plugs,injectors sa gasolina naman po tanggalin ang spark plugs. Tanggalin po natin ang connection sa ignition or shut off valve to make sure na hindi aandar ang makina. Crank po natin ang makina for 1 or 2 seconds Kung may lalabas na tubig, ulit ulitin lang po natin hanggang mawala ang tubig. Sa motor po ikick lang po ang kick starter lalabas po ang tubig sa sparkplug hole. Idrain din po ang carburetor float bowl para matanggal po ang tubig sa gas.kung madumi mas mabuting linisan nalang po. Icheck din po ang air cleaner Kung nabasa palitan na po.
6. pag wala na pong tubig na lalabas sa sparkplug hole, Ikabit na po ang sparkplug, sa diesel engine ay injectors,glow plugs. Then top up po ng oil hangang minimum level then start po ang engine pag umandar po paandarin po mga 2 to 5 minutes,then drain po ulit ang oil para matanggal po ang mga natirang tubig na humalo na sa oil.. Crank po ulit natin para malaglag po ang mga natirang oil sa loob ng makina. Ang purpose po nito ay para mahugasan po ang makina natin.
7. Tanggalin na po ang oil filter at palitan na po,.ibalik ang drain plug then maglagay napo ng engine oil..
8. Check po natin ang brakes, linisan at patuyuin, change oil po natin ang transmission at differential. Repack po natin ang mga bearings at ball joints..
9. Para mas sigurado po after makatakbo ng 500 kms change oil po ulit natin..huwag po tayong manghinayang sa gagastusin para sa oil.mas malaki po ang gastos pag makina ang nasira..
Be a responsible driver po.
Sana makatulong,ingat po tayong lahat..