18/05/2026
Paglilitis Kay Duterte sa ICC, Target Simulan Matapos ang Pre-Trial sa 2026
Inaasahan ng prosecution office ng International Criminal Court o ICC na makumpleto ang lahat ng pre-trial preparations sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang Setyembre 30, 2026.
Kapag natuloy ang itinakdang timetable, maaari itong maging isa sa pinakamabilis na kasong umabot sa trial stage sa kasaysayan ng ICC matapos ang confirmation of charges.
Patuloy namang sinusubaybayan ng publiko at ng international community ang takbo ng kaso laban sa dating pangulo kaugnay ng mga alegasyong iniuugnay sa war on drugs ng kanyang administrasyon.