Ocdyyocdyicdtiddtid

Ocdyyocdyicdtiddtid Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ocdyyocdyicdtiddtid, Automotive repair centre, Quezon City.

Alam nyo ba/ Sa Wikipedia ka rin ba kumukuha ng mga impormasyong kailangan mo kapag may ire-research ka sa Internet? Ala...
16/01/2023

Alam nyo ba/ Sa Wikipedia ka rin ba kumukuha ng mga impormasyong kailangan mo kapag may ire-research ka sa Internet? Alam ninyo bang 18 anyos na ang online encyclopedia na siyang pinakapinupuntahan natin, nang una itong maging online sa Internet sa araw na ito noong 2001, nang inilunsad ito bilang bahagi ng features ng Nupedia.com., isang online encyclopedia na isinusulat ng mga boluntaryong creators at itinuturing na ninuno ng kasalukuyang Wikipedia. Matapos tutulan ng advisory board of exports na siyang nangangasiwa sa Nupedia, muling inilunsad ang Wikipedia bilang isang independent website sa mga sumunod na araw. Sa unang taon ng paglulunsad ng Wikipedia, mahigit 20,000 artikulo na ang naipaskil rito na nakasulat sa mga 18 wika, kabilang na ang wikang English, Pranses, Deutsch (German), Polski (Polish), Dutch, Hebrew, Chinese at Esperanto, isang katutubong wika sa Espanya. Nawala na ang Nupedia noong 2003 kaya nailipat na ang mga naunang artikulo sa Wikipedia simula noon.

Taong 1996 nang itinatag ng isang Amerikanong bond trader na si Jimmy Wales ang Bomis, Inc., isang web portal company, sa San Francisco, California, at Marso noong 2000 nang binuo rin niya ang Nupedia.com, kung saan nagsilbing editor in chief si Larry Sanger. Enero 2001 nang ipinanukala ni Sanger ang pagbuo ng isang open source encyclopedia base sa wiki software na siyang pandagdag sa Nupedia, at dito na isinilang ang Wikipedia. Mula 2001 hanggang 2006, mahigit isang milyon na ang mga inilathalang artikulo sa Wikipedia, at umabot na iyon ng hanggang 3.5 milyon pagsapit ng taong 2011. Gayumpaman, 665,000 hanggang 374,000 artikulo ang nababawasan sa Wikipedia mula 2007 hanggang 2010, kaya naglunsad ang Wikipedia ng mga non-English versions ng Wikipedia, para sa mga indibidwal na hindi nakakaunawa o nakakapagsalita ng English. Pakay ng Wikipedia na maabutan ng mga kinakailangang impormasyon ang bawat mga tao sa iba't ibang panig ng mundo, pero pagdating sa bansang China ay mahigpit ang restriksyon doon pagdating sa Wikipedia.

Gaya rin ng mga karaniwang encyclopedia, mithiin rin ng Wikipedia na makapaglahad ng mga mapagkakatiwalaan at maaasahang impormasyon batay sa prinsipyo ng neutralidad, o walang pagkiling sa anumang panig, at ang pagrespeto sa copyright laws. Gaya rin ng Nupedia, umaasa rin ang Wikipedia sa online community nito na siyang nagsusulat ng mga artikulo para rito, habang sinisiguro ang accuracy at kredibilidad ng mga impormasyon rito, at mino-monitor ang mga artikulong nakasulat, habang pinagkakaloob sa mga mapagkakatiwalaang contributor ang pribilehiyong linisin at itama ang mga posibleng maling nakasulat sa mga artikulo nila.

Gayumpaman, maraming mga kontrobersya ang ipinupukol sa Wikipedia, gaya ng mga malisyoso at huwad na impormasyong nababasa sa ilang mga artikulong nanggagaling rito. Halimbawa nito ang naging kaso ni John L. Seigenthaler, Jr. noong 2005, isang Amerikanong journalist na nagreklamo laban sa Wikipedia dahil sa maling artikulo nito na isa siya umano sa mga nagsabwatan para paslangin si John at Robert Kennedy. Tumagal ng hanggang 132 araw ang kontrobersya dahil hindi matukoy kung sino ang sumulat ng naturang artikulong iyon, pero kalauna'y lumantad ang mismong nagsulat upang humingi ng tawad at nagpaliwanag na biro lamang iyon. Ito ang nagbunsod sa Wikipedia na maghigpit laban sa mga hindi rehistradong users nito na sumisira sa mga artikulong nakapaskil sa Wikipedia, gaya ng pagba-block sa mga users na lumalabag sa polisiya nito. Gayumpaman, naikintal na sa isip ng mga tao na kahit sino na lang ay maaaring magmanipula sa mga impormasyong nagmumula doon.

Naging mainit na debate rin ang paggamit ng Wikipedia bilang isang online reference para sa mga iskolar at mga educators, dahil sa isyu ng reliability ng mga artikulong nagmumula doon. May mga paaralan pa nga na ipinagbawal ang pagkuha ng mga impormasyong mula sa Wikipedia, o maski gamitin iyon bilang isang research tool, kaya noong 2010 ay kumuha ang Wikipedia mula sa mga public professors sa Amerika para magdevelop ng course work kung saan maaaring magbigay ng content doon ang mga estudyante. Sa kabila ng mga kontrobersyang hinaharap ng Wikipedia, nananatiling bahagi ng online landscape ang naturang online free encyclopedia, na siyang isa sa mga pinakamadaling mapagkukunan ng impormasyon sa Internet. Gayumpaman, ang mga gaya ng Wikipedia ang siyang nagbibigay ng hamon sa ating mga gumagamit ng Internet na matutong maging mapanuri at mabusisi sa mga impormasyong sumusulpot sa Internet, at maging responsableng tagapaghatid ng kaalaman sa mga netizens.

Sanggunian:
* The Editors of Encyclopedia Britannica. Wikipedia. Encyclopedia Britannica. Retrieved January 15, 2023. https://www.britannica.com/topic/Wikipedia



14/01/2023

Address

Quezon City
1100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ocdyyocdyicdtiddtid posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share