13/08/2026
Gusto ba talaga natin ng TOTOONG PAGBABAGO?
Kung oo, baka sa Barangay Election naman, subukan nating huwag bumoto ng mga taong ilang dekada na nating nakikita sa campaign posters.
Hindi ito tungkol sa kulay. Hindi ito tungkol sa kampo. At lalong hindi ito tungkol sa kung sino ang pinakamagaling sumayaw sa campaign jingle.
Mga bagong pangalan.
Mga totoong propesyonal.
Mga may utak, kakayahan, integridad at—pinakamahalaga—may napatunayang track record.
Para sa mga tatakbong Chairman,Kagawad sana naman may seryosong qualification sa batas, paggawa ng polisiya at governance. Hindi yung “anak ni,” “asawa ni,” “kapatid ni,” tapos biglang qualified na.
Para naman sa Ehekutibo, track record ng pamumuno ang hanapin. Hindi yung track record sa pelikula, teleserye, TikTok o pagiging viral.
At oo, real talk tayo:
Di rin maraming pamilya,mayaman at maraming Koneksyon
Hindi ibig sabihin na dahil mayaman at ma koneksyong tao ang apelyido, automatic goods na.
Baka naman pwede nating itanong:
“Ano bang nagawa mo—bukod sa apelyido mo?”
Same goes for dilaw, pink, berde, p**a, o kahit anong kulay pa yan.
Hindi dapat kulay ang qualification.
Hindi tayo bumoboto ng pintura. Bumoboto tayo ng lider.
At sana, huwag na rin tayong madaling mapaikot ng:
“GRABE ANG GANDA NG CAMPAIGN JINGLE!”
“ANG GWAPO/GANDA NIYA!”
“ANG DAMING TAO SA RALLY!”
“NASA TIKTOK!”
“ANG GALING MAG-SPEECH!”
Hindi lang basta boto mo ang ibinibigay natin:
Kinabukasan ang pinag-uusapan natin dito.
At huwag din tayong masyadong ma-excite sa maraming pera
Hindi porke't mahusay umarte, marunong nang gumawa ng batas.
Hindi porke't mahusay magsalita, marunong nang mamuno.
Hindi porke't sikat, qualified na.
Pop**arity is not competence.
At kung galing naman sa political dynasty na ilang henerasyon nang nakaupo at yumaman habang nasa gobyerno...
Siguro naman, pwede nating obserbahan kung public service ba talaga ang pakay ng pamilya —o business ang tingin nila sa pulitika.
Hindi ko sinasabing lahat ng incumbent ay masama.
Hindi ko rin sinasabing lahat ng bago ay mabuti.
Ang sinasabi ko: TINGNAN NATIN. SURIIN NATIN. HUWAG TAYONG TAMAD BUMOTO.
Basahin ang plataporma.
Tingnan ang track record.
Alamin kung saan nanggaling ang pera.
Tingnan kung paano namuhay at nagtrabaho bago naging pulitiko.
At higit sa lahat, huwag nating gawing personality contest ang eleksyon. Dahil hindi biro ang kapangyarihang ibinibigay natin sa isang boto.
Isang boto lang.
Pero kapag pinagsama-sama ang milyun-milyong boto, isang buong bansa ang maaaring magbago—o muling ma-stuck sa parehong problema.
Kaya sa BSKE ELECTION, baka naman pwede nating itaas nang kaunti ang standards.
Hindi dahil bagong mukha, automatic magaling.
Hindi dahil matagal na sa politika, automatic may experience.
Hindi dahil sikat, automatic qualified.
Kakayahan. Integridad. Track record. Plataporma.
Yan ang hanapin natin.
Hindi kulay.
Hindi apelyido.
Hindi artista.
Hindi campaign jingle.
Hindi fan club.
Nasa atin ang susi.
Nasa atin ang boto.
At kung gusto talaga natin ng pagbabago, baka panahon na rin para tanggapin natin ang isang masakit na katotohanan:
Hindi lang pulitiko ang kailangang magbago. Pati paraan natin ng pagpili sa kanila. Dahil sa dulo, tayo rin ang bumoboto.
Tayo rin ang may hawak ng susi.
At baka sa Eleksyon sa November ay gamitin naman natin nang maayos. 🇵🇭
Pres Raffy B. Mariñas
Angkas ng Punta Riders Club ☝️