13/07/2026
🚗 Car Care Tip of the Day
Huwag hintaying maubos ang tubig sa radiator bago mag-check. Regular na inspeksyunin ang coolant level upang maiwasan ang overheating ng makina, lalo na sa mahabang biyahe at mainit na panahon.
✅ Suriin ang coolant kapag malamig ang makina.
✅ Gumamit ng tamang coolant, hindi puro tubig lang.
✅ Magpa-check agad kung may napansing tagas o mabilis bumaba ang coolant level.
Alagaan ang iyong sasakyan ngayon para iwas aberya bukas. 🚘