11/07/2026
May panibagong dagdag-pasanin na naman sa mga konsyumer.
Nakatakdang tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa susunod na linggo. Ayon sa LPG Marketers Association, madaragdagan ng β±3 kada kilo ang LPG, na katumbas ng β±33 dagdag sa karaniwang 11-kilogram na tangke.
Ayon kay Regasco President Arnel Ty, ang pagtaas ng presyo ay bunsod ng muling pagpapatupad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng excise tax sa LPG at kerosene matapos alisin ang pansamantalang suspensyon nito.
Samantala, nagbabala rin ang industriya na posible pang masundan ang price hike dahil sa muling umiinit na tensyon sa Middle East, na maaaring makaapekto sa pandaigdigang presyo ng produktong petrolyo.