29/07/2026
LESSONS FROM MY FORMER CHINESE BOSS
1. Pag may business ka dapat may work ka para pag nalugi ang business mo may isa ka pang source of income. Pag gusto mo magfull time sa business, make sure na sasahuran mo yung sarili mo.
2. Wag kang uutang para pangsimula ng negosyo, bukod sa bad luck eh 2 na agad problema mo, paano kikita ang business mo at paano mo babayaran ang utang mo. Kung kulang ang puhunan mo, earn enough amount para mafill mo yung kulang.
3. If you have multiple businesses, iba iba Ang approach, hindi one size fits all lalo na kung magkakaiba ng industry.
4. Bigger capital is not equivalent sa bigger income. You can always start small.
5. Your business must possess at least one of these: (a) Your business will solve a problem (b) your business must help people na mafullfill yung goal nila. Pag ganon daw yung business, it will surely prosper.
6. Your mindset is your powerful weapon. "Yung utak dapat malawak, pero ang paa sa lupa nakatapak"
Until now mentor ko pa din sya. Nun nagpaalam ako noon na magreresign ako, and state the reasons why, kahit daw ayaw nya he'll let me go kasi alam nya na mataas ang pangarap ko. He'll watch me soaring the sky daw. I was just 25 that time. 😁😁😁
So sa mga first time bosses, important yung wisdom na maseshare natin sa mga kasamahan natin sa work. I'm so grateful na napadpad ako sa isang boss na sobrang lawak ng wisdom.