Balitang Luzon News Update

Balitang Luzon News Update Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Balitang Luzon News Update, Cabanatuan City.

Alam ng Gapan ang totoong kwento. Dapat alam din ng bawat Novo Ecijano.
05/08/2026

Alam ng Gapan ang totoong kwento.
Dapat alam din ng bawat Novo Ecijano.

Wala nang salitang kailangan pa. ALAM NYO NA! šŸ˜‚
01/08/2026

Wala nang salitang kailangan pa. ALAM NYO NA! šŸ˜‚

Kayo na ang humusga..
28/07/2026

Kayo na ang humusga..

ANG TOTOONG KWENTO SA PAGTAKBONG GOBERNADOR NG NUEVA ECIJAMalalim ang galit ng Vergara sa mga Umali na hindi matibag tib...
25/07/2026

ANG TOTOONG KWENTO SA PAGTAKBONG GOBERNADOR NG NUEVA ECIJA

Malalim ang galit ng Vergara sa mga Umali na hindi matibag tibag sa pagka Gobernador ng Nueva Ecija mula pa nung 2007.

Matagal nang pangarap ni Jay Vergara na maging Gobernador, pero wala sa personalidad nya na sya ay gugustuhin ng probinsya. Lasing at bulol kung magsalita, masyado na rin syang matanda para sa posisyon. At kung babalikan, sampung libo lang ang lamang niya kay Cherry Umali sa pagka Congressman last 2025 elections kaya hindi masasabing balwarte nya ang ikatlong distrito. Wala syang lakas at tsansa na manalo.

Pero sa lalim ng galit nya at ambisyon, lahat at gagawin nya para mawala lang ang mga Umali sa Probinsya.

Kaya humanap sya ng MAUUTO.

Kasalukuyang niluluto ni Vergara na gawing kandidato sa pagka Gobernador si 4th District Congressman Emeng Pascual. Dalawang termino nang kongresista si Pascual at tinalo nya si Dra. Maricel Natividad sa dalawang magkasunod na eleksyon sa distrito.

Ang problema, maraming bagahe si Emeng. Sangkot sya sa paggawa at pagbebenta ng mga pekeng sigarilyo sa Central Luzon. Isa sya sa sinasabi ni DILG Sec. Jonvic Remulla na dalawang Congressman ng Central Luzon na involve sa illegal na sigarilyo.

Isa pa, maraming pinapatay si Cong. Emeng. Bistado sa Gapan ang pagiging marahas ng mga Pascual. Land grabber din sila, mismong mga kabarangay nila sa Pambuan at mismong mga tiga Gapan ay magpapatunay na totoo ito.

Wala ring pinagaralan si Emeng. Hindi man lang nakatapos ng kolehiyo. At sa record ng Kongreso, walang kahit isang batas na naipasa si Emeng. Ni minsan ay hindi man lang sya nag privilege speech. Literal na nagbutas ng bangko sa Kongreso.

Pero eto ang siste, mapilit si Vergara at patuloy na sinusulsulan si Emeng na tumakbong Gobernador. At kaya wala pa tayong kumpirmadong deklarasyon na naririnig mula kay Pascual, eto pala ang mga naglalaro sa utak niya;

1. Bakit ako tatakbong Gobernador e may isang term pa akong Congressman sa 4th District. Sa galing kong manakot sa Gapan, siguradong easy win na naman ang last term ko as Congressman sa 2028

2. Kung tumakbo akong Gov, sino ang kapartner ko? Si Jay Vergara. Eh ang boto niya sa impeachment ni VP Sara ay NO, ang boto ko naman ay YES, paano yon? Saang national party kami sasama kung magkaiba kami ng tayo sa national politics?

3. Gaano kahirap magpakilala, mangampanya at magpapogi sa 849 Barangays ng buong Probinsya? Sino gagastos sa aking pagtakbo?

4. Pag tumakbo akong Gov, siguradong mabubunyag sa buong Lalawigan ang negosyo ko na pekeng sigarilyo, yung dami ng taong pinatay namin at inagawan ng lupa. Kakalkalin ang records ko at makikita na wala akong natapos sa pagaaral at wala din akong batas na naipasa sa Kongreso.

Kaya sabi ni Emeng Pascual, para akong kumuha ng batong ipinukpok ko sa ulo ko kung tatakbo akong Gobernador.

Masakit na ang ulo ngayon ni Jay Vergara dahil wala na syang makuhang panlaban sa Umali.

Hi Jackie! Aw aw!
20/07/2026

Hi Jackie! Aw aw!

Magkasundo muna kayo mga pare. Di pa man kayo naguumpisa e nagaaway na kayo!
19/07/2026

Magkasundo muna kayo mga pare. Di pa man kayo naguumpisa e nagaaway na kayo!

Nanalo kang Mayor at Congressman dahil sa PDP Laban at kay Tatay Digong. Ganyan ka ba tumanaw ng utang na loob? O baka n...
18/07/2026

Nanalo kang Mayor at Congressman dahil sa PDP Laban at kay Tatay Digong. Ganyan ka ba tumanaw ng utang na loob? O baka naman nabigyan ka din ng maleta, Cong? 🫢

16/07/2026

Ganito sila kagaling mangako sa social media. Langit at lupa! Ni isang metro ng libreng internet na fiber optic wala silang nailatag sa Lungsod ng Gapan. Sagad sa pagka-sinungaling si Emeng Pascual!

15/07/2026

Ganito kami sa Gapan. Gusto mo bang maging ganito sa buong Nueva Ecija?

DALAWANG FLYOVER. DAAN-DAANG MILYONG PISO. PERO HANGGANG NGAYON, HINDI PA RIN NAPAPAKINABANGAN.Bilang isang ordinaryong ...
11/07/2026

DALAWANG FLYOVER. DAAN-DAANG MILYONG PISO. PERO HANGGANG NGAYON, HINDI PA RIN NAPAPAKINABANGAN.

Bilang isang ordinaryong mamamayan at nagbabayad ng buwis, may karapatan kaming magtanong.

Ilang taon na ang nakalipas mula nang simulan ang konstruksyon ng Lakewood at San Isidro Flyovers. Halos isang taon na rin ang lumipas mula nang makita ng publiko na tila tapos na ang mga ito. Ngunit hanggang ngayon, nananatili pa ring sarado at hindi magamit ng mga motorista.

Ano ang tunay na dahilan?

Kung curing period lamang ang dahilan, hindi ba’t matagal na itong lumampas? Kung mayroon namang teknikal na isyu, bakit walang malinaw at opisyal na paliwanag sa publiko?

May mga usap-usapang hindi umano pumasa sa ilang inspeksyon o may problema sa kalidad ng pagkakagawa. Totoo ba ito? Kung hindi, bakit hindi ito malinaw na pinabubulaanan ng City Government? Kung oo, ano ang ginagawang hakbang upang maitama ito?

Hindi tsismis ang kailangan ng taumbayan. Ang kailangan ay transparency.

Hindi sapat na sabihing ā€œpangakong tinupadā€ kung ang proyekto ay hindi pa rin nagagamit ng mismong mga mamamayang nagbayad nito sa pamamagitan ng kanilang buwis. Ang sukatan ng isang matagumpay na proyekto ay hindi ang pagputol ng ribbon o pagtatapos ng konstruksyon—kundi ang aktuwal na pakinabang nito sa publiko.

Kung may legal, teknikal, o administratibong hadlang sa pagbubukas ng mga flyover na ito, ipaliwanag ito nang tapat. Kung wala naman, bakit hanggang ngayon ay nananatili itong nakatiwangwang?

Ang pananagutan sa pampublikong pondo ay hindi nagtatapos sa pagtatayo ng proyekto. Nagtatapos lamang ito kapag ang proyektong iyon ay ligtas, maayos, at tunay nang napakikinabangan ng taumbayan.

Hindi ito paninira. Hindi ito pamumulitika. Isa lamang itong makatwirang panawagan para sa malinaw na paliwanag at pananagutan.

Address

Cabanatuan City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balitang Luzon News Update posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share